Mabuhay!   Welcome to our interactive poster:

"Patatagin, Paramihin at Mahigpit na Pag-ugnayin

ang mga Aktibong May-tayâ sa Kapakanan

ng Ating Bansâ!"

please click here to enter...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.   CLICK AT PARTS OF THE POSTER THAT YOU WANT EXPLAINED:   .

 

 

. Please send all feedback on this to : aktibongmaytaya@yahoo.com. .

A full-color downloadable version of this poster will be available for all who ask for it with an email to:
saniblakas.foundation@yahoo.com. Please make sure to put "Poster Request" on the Subject Line.

THIS PAGE HAS BEEN VISITED  6229 TIMES SINCE IT WAS UPLOADED.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.   Magsanib-lakas, Pilipinas!   

MAGSANIB-LAKAS, PILIPINAS!  Sa ganitong pagsasanib-sanib ng kahit magkakaibang mga kakayahan at gawain, basta't nagkakaisa sa layunin, nagsasalimbayan sa mga kilos, at may tinatanaw na pagsasalo at makatarungang pagbabahagian sa kakamtin, ang ibubunga pa rin ay paggaan ng gawain at pagdami pa nga ng mga mapapala.

Di ba't ganito nga ang dakilang Bayanihan, na umiral nang libu-libong taon sa ating pagtutulungan at pagmamahalan?

  back to poster top 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.    Matagal na nating panawagan ito...   .

MATAGAL NA NATING PANAWAGAN ITO, laluna't dahan-dahang humina ang diwa ng Bayanihan sa ating mga pamayanan magmulang ang mga iyon ay simulang pagharian ng mga nanakop na dayuhan (kaiba sa naunang mga dayuhang patas na nakipagkalakalan). Namemorya nating "May Lakas sa Pagkakaisa" ngunit nalimutan nating ang totoo'y may pinaiibayong lakas sa pagkakaisa ng mga may sari-sariling lakas na kusang iniaambag sa sama-samang kakayahan ng kabuuan.

  back to poster top 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.'Nasa mga Aktibong May-tayâ ang pag-asa...

NASA MGA AKTIBONG MAY-TAYA ang Pag-asa ng Bansa. Kung buhay pa ba si Rizal ay tatalikuran na nga kaya niya ang anumang pag-asa ng bayan  na sinabi niya noon na "nasa kabataan"? Hindi naman!  Kung ang mga mga kabataan ay aktibong may-taya sa paglaya at pagkamit ng ginhawa ng ating mga pamayanan at mamamayan, o kung sa mga suliranin ng bayan ay aktibo sa paglutas sa halip na pag-iwas kahit mga nakakatanda man, sila at tayo ay nagbibigay ng tunay na pag-asa sa ating Inang Bayang Magiliw.

  back to poster top. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Panatiliin ang tatag ng diwa ng bawat Aktibong May-taya!

 

  back to poster top. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.  Ang kailangan ng ating Kalikasan...   

ANG KAILANGAN NG ATING KALIKASAN, kabuhayan, kaligtasan, kapakanan, ay maraming magkakasanib na kilos ng milyun-milyon nating mga Aktibong May-taya. Wala tayong mapanghahawakan kung walang higpit ang ating pagtangan, kung walang gasgas sa ating mga palad; walang mananatiling malusog sa ating buhay na tahanang kalikasan kung walang magpapatigil sa nagaganap na pamiminsala sa ngalan ng salapi at pagwawalang-bahala. Ang kapinsalaan ay dugtung-dugtong kaya't mahigpit ding magkakaugnay ang dapat mga galaw ng mga AkMa!  Kung marami ang patuloy na iiwas sa pananagutan, wala sa ating makakaligtas!

  back to poster top. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.  Patatagin, Paramihin, Mahigpit na Pag-ugnayin...  

PATATAGIN, PARAMIHIN, MAHIGPIT NA PAG-UGNAYIN ang mga Aktibong May-taya! Kung tunay na aktibo, bahagi ng pagsisikap ang pagpapakatatag sa kalinawan ng isip at katatagan ng determinasyon, at sa tatag lamang ng determinasyon maisusulong nang totohanan ang mga pagsisikap, at marami tayong maiisip na paraan sa halip na pagdadahilan. Sino ang makapagpaparami ng mga AkMa?  Ang mga AkMa mismo ay walang-sawang nag-aaral upang makayanan na nila ang magpaliwanag, upang dumami ang mga kumikilos nang matagumpay, at upang dumami pa nang ibayo ang mga nagpapaliwanag at nagpapatatag sa iba.  Kung hindi naman mahigpit na nag-uunayan ang mga Aktibong May-taya, sayang na nga ang mabubuo sana nilang 'teamworking' o pagtutulungan, maaari pang magkaroon ng kumpitensya, salungatan at siraan sa kanilang hanay,

Patatagin, Paramihin at Mahigpit na Pag-ugnayin ang mga Aktibong May-taya sa Kapakanan ng Ating Bansa! !      MagSanib-Lakas, Pilipinas!

  back to poster top. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


.

 

ANG PAMAYANANG SANIBLAKAS NG PILIPINAS ay isang mahigpit na bukluran ng mga nagmamalasakit sa kapananan ng kasalukyan at susunod pang mga henerasyon ng mga Pilipino, at malinaw nilang ipinakikita ang malaking malasakit na ito sa pamamagitan ng kanilang positibong ikinikilos sa araw-awaw.  Sinisikap ng bawat kaanib na sahahan ng Pamayanang ito na ang kani-kanilang samahan mismo ay maging buhay na mga paaralan ng aktibo at epektibong pagtulong sa taongbayan, sa iba-ibang larangan na kani-kanilang pinagtutuunan, na kayanin ng mga tao ang sama-samang pag-aangking-lakas upang ang sambayanan ay dahan-dahan ngunit matatag nang makabangon sa kasalukuyang mga kalagayan ng kawalan ng lakas, kawalan ng katarungan, kawalan ng malasakitan, at kawalang-pag-asa.  Ang Pamayanang SanibLakas ng Pilipinas, na pinagsasamahan ng pormalisado at di-pormalisadong mga bagagi nito, ay isang malawak na kilusan para sa ganap na pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao.

  back to poster tor.